![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
||
|
|
|
|
||||||
![]() |
![]() |
|||||||
|
|
|
![]() |
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
|
|||||
|
|
||||||||
|
|
||||||||
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Kahit pa nga sa ano mang larangan... kung walang nakikitang mahalagang layunin ang isang tao kung bakit pinili niya ang kanyang daan, walang motibasyon para sa kanya upang pahalagahan ang gawaing iyon... walang rason para 'career-in' kumbaga. Kaya yun... parang palutang-lutang na lang ang marami sa atin at laging handang magsalitang 'trabaho lang...'. Bagut na bagot na... wala nang inspirasyon... Nagta-trabaho pero tinatamad. Wala nang ambisyon.
Kapag nakaririnig ako ng iba na nagsasabi namang wala na silang mahihiling sa buhay o wala na silang iba pang makitang ambisyon... parang kinikilabutan ako. 'Di ba't para ka nang kandidato na rin para mamayapa? 'Di ko mawari kung paanong sa gitna ng mga krisis sa paligid ng mga taong ganito kung mag-isip... nasasabi nilang wala na silang ibang nakikitang paglaanan ng kanilang buhay at kakayanan.
Papaanong ang isang tao... lalo na ang isang artista ay nagkaka-edad at 'di dumarating sa puntong aawas na ang saklaw ng kanyang interes mula sa kanyang sarili lamang at iisipin na rin ang kapakanan ng iba?
'Di naman sinasabing wala nang pagkakataon ang mga nakapag-sayang na ng kanilang panahon at buhay sa larangan ng sining at kultura. Mahirap rin ngang tanggapin ang tipikal nang husga sa atin ng iba (laluna ng ilang mga nakatatanda) na nagsasayang lang tayo ng mga potensyal natin sa 'pa-art art na yan!'
'Di ba?
Ang totoo, walang 'age limit' ang pagbabago at pagtutuwid ng sarili kung totoong gugustuhin... sino ka man. Tao rin lang ang naglilimita sa atin kundi man tayo mismo sa ating mga sarili.
Marami ang rason, kung aalamin mo talaga, kung bakit gugustuhin mo at patuloy mong kailangang maging artista. 'Di mahirap intindihin.
Buksan lang ang mga mata at ang kunsensya.
Maraming mabigat na dahilan kung bakit gugustuhin nating humawak ng bolpen at papel... gitara at anupamang instrumento... ng kamera... ng pinta at canvas... ng mikropono... magtanghal sa entablado o kung ano pa.
Ang tao at ang mga reyalidad ng buhay nating mga Pilipino ang pinaka-lehitimong dahilan kung bakit kailangan mong ipahayag lahat ng iyong damdamin sa piniling larangan. Maraming kwento ang nasa paligid natin araw-araw. Maraming kulay at himig. At ang panahon ay ngayon na.
Tinanong mo na ba ang sarili kung bakit nariyan ka?